Bakit may tinik ang rosas?
- Project Thorns
- Jul 18, 2020
- 2 min read

Dinig na dinig ko ang pintig ng pulso mo noong inilapit mo sa mukha ko ang nanginginig mong mga palad. “𝘗𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥”– bulong mo saakin. Habang nakadampi ang iyong mga labi sa gilid ng aking naninigas na pisngi, hindi ko napigilang kumalas sa labis na pagkabahala.
“𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘬𝘰?” “𝘏𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘪𝘯𝘴𝘦𝘱𝘦 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘰𝘴𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘣𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘸𝘢𝘯”
Hindi ko alam kung ano o paano mo ginawa, ngunit bigla mong pinatigil ang galaw ng mundo. Isang bagay lang ang nasisiguro ko, narito ka sa aking harapan hindi upang humingi ng kapatawaran kundi angkining muli ang mga tinik sa aking katawan. Tumango ka, ginalugad ng iyong mga basang kamay ang natutulog kong kaluluwa. Mula sa kinatatayuan natin, naging isa ang prinsepe at ang rosas, lobo at buwan, ang aking labi at iyong isipan. Alam na alam kong ito ang ipinunta mo dito.
Ang dating usbong ng munting rosas mong dala na kanina lamang ay napapaliligiran ng mamula-mulang talulot ay ngayo’y hubad na sa aking harapan. Nakalupapay na parang lantang gulay at naghihintay na muling diligan ng aking pagmamahal. Ngunit, kung iniisip mong ito ang makapagbubura ng sakit na ipinamalas mo sa aking mga damdamin, diyan ka nagkakamali.
Subalit, kilala kita – walang nakakapagpigil sa iyong pagiging mapagsalakay. At ganun ganun na lang, isinandal mo ang dalawang braso ko sa pader at dali-daling binuksan ang kamiseta kong pula gamit ang iyong natatakam na mga ngipin.
"𝘎𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘮𝘰?"
Umungol ako bilang tanda ng pag-sang ayon.
Hindi ka ba natatakot sa mga tinik ko? Wala ka na ba sa tamang pag-iisip at gusto mong masaktan? Gulong gulo ako ngunit gusto kong ipakita sayo ang aking mga nakatagong mga tinik – mga naglalakihang balaraw na magbubukas sa sarado mong puso.
Parehas na tayong hubad sa katotohanan. Ang aking mga tinik ay naging parte na ng iyong rosas. Diniligan kita ng katas ng aking pagmamahal at tayo’y naging isa – hinding hindi na maipaghihiwalay ng ni sino man.
– DM Gasparillo Adil II
Comments