Kweba ni Rosa
- Project Thorns
- Jul 18, 2020
- 2 min read

Kuya, bili na po kayo ng rosas
Alam kong paborito niyo ang mabango, ang sariwa
Sa halimuyak ng pulbo sa gitna ng halang at dilim.
Kilala ko po ang ganyang mga tingin
Na wari mga balang tumatagos sa suot kong kamiseta
Batid ko po ang ganyang mga kamay
Ang mga daliring sumusuot sa kung saan-saang sulok
Kilala ko ang ganyang mga palad,
na pinagaspang sa bawat paggapang sa murang katawan
Batid ko na ang mga gaya ninyo
Na hayok sa pagnanasa sa mga kagaya ko
Kaya, kuya, bilhin niyo na po ang paninda kong rosas
Gabi-gabi ko nang gawain ang pagsama-samahin
ang iba’t ibang ungol mula sa iba’t ibang lalaki
Gagawin ko silang mga bokey ng bulaklak
Hindi para ilagay sa paso, kundi alay ko sa masugid na mga parokyano.
Gabi-gabi ko nang gawain ito, na pagkatapos ng eskuwela,
agad na akong pumoporma at dadako sa madidilim na eskinita para maghintay.
Kung hindi niyo naitatanong, ginawa ko nang palaruan ang palengke.
Maglaro tayo, bata akong susunod sa kahit anong gusto mo.
Bakit hindi mo ako isakay sa magara mong sasakyan?
At pipinturahan natin ang daan ng kulay na makasalanan
Huwag kang mag-alala, atin-atin lang ‘to.
Mananatili itong sikreto.
Nasanay na ang mga labi ko sa isang uri ng kendi na walang tamis
Nasanay na akong magbahay-bahayan sa ilalim ng nagkikislapang mga ilaw
Ang lahat ng iyong naisin ay ibibigay ko
Kapalit ay… kaunting halaga
Pero huwag kang magkakamali, hindi ko kailangan ng awa
Hindi ako musmos na bata na pinagkaitan ng mundo
Pero puwede mo akong tawaging biktima
na nakakulong sa rehas na gawa sa regalo
Sa relo, sa mamahaling mga damit
Oo, hindi ako nagpapagamit dahil kumakapit sa patalim.
Hindi ako isang kahig isang tuka
Mabigat ang bulsa ko,
pero bilhan mo ako ng sapatos
at buong araw kitang gagawing basa
Dito, sa makamundo kong pamantasan
Sa mura kong edad, natutuhan ko na
Na maaaring ang daan patungo sa karangyaan
Ay hitik sa halik at nag-iinit na laman
Kaya kung hilig mo ang mga batang gaya ko
Alam mo kung saan ako bibisitahin
Alam mo kung paano ako tatawagan.
Hindi ko ito kailangan, pero ito ang gusto ko
Hindi mo ako maiaalis sa nakasanayan ko nang mundo.
Lalo na kung may mga gaya ninyo,
na hayok sa pagnanasa sa mga tulad ko
Kaya, kuya, bilhin mo na ang mga sariwang paninda ko
Nagtitinda ako ng rosas kahit hindi buwan ng Pebrero. - James Gabriel Regondola, Writer
Comentarios